COET Batch 2003:
-->Apat na DOST scholars ang nakasama sa grupong ito.Sina Richard Polborido na webmaster din ng website natin,si Nerissa Pimentel,Hermilyn Pagayonan at Ericka de Lemos.Ang COET ang may pinakamaraming scholars nung taong yun.
-->Minsan ng naging pangit ang imahe ng COET nang gumawa sila ng "Repolyo Ice Cream" sa Chemistry matapos nilang galitin si mam'm Topacio,awa ng Diyos eh napanis ang gawa nila pero buti na lang at hindi bumagsak ang group na to.
-->Swerte ang batch na to dahil sila ang huling gumamit ng "Plastic Covers" bilang pamalit sa Laboratory gown kung nakalimutan mo ito o wala ka nito.
-->Nakakuha ng unang award sa Buwan ng wika ang COET ng manalo ng 1st place sa Personification category (or "Pagsasatao") si Richard Polborido,ito rin ang simula ng pagiging active ng COET sa mga activities sa TUP
-->Ang mga alamat na sina Polborido at Nerissa Pimentel na lamang ang natira sa TUP hanggang sa kasalukuyan
-->Katulad ng ibang Batches,nahati din sa madaming grupo ang batch na to,ang "Existing Idiots" na group ni nerissa,ang "Tropang Genious" na grupo na gumawa ng "Repolyo Ice Cream" at ang "F5" na grupo ni Richard na nang malaon ay nag-evolve sa "TUP Parokya" noong 2005 at naging "Dawn Tonethingz" noong 2006
-->Nasa COET Batch 2003 din ang naging "Campus Crush" na si Karen Matanguihan.
-->Buwan ng WIka yun nung 2006 nang nakuha ng COET ang Tropeo ng "Hilahang Lubid" ng hindi inaasahan.Malapit nang ma default noon ang COET dhil walang gustong sumali ngunit para hindi mapahiya ay nanghigit na lang ng kahit sinong COET na makita sa school at nagbunga naman ang paghihirap nila"
-->Nakuha din ng COET nung taong 2003 ang pinakaunang "Overall Championship" sa Buwan ng Wika nang iuwi ng COET ang "Lakan at Lakambini" sa pamamagitan nina Karen Matanguihan at lalaking COET na panggabi na di ko na maalala ang pangalan,basta iyon na yun"
-->Intrams nung 2004 nang masilat ng Civil Eng ang trophy sa cheering.Ayon sa paniniwala ng mrami ay ang COET ang may pinakamagandang routine ngunit marami ang nagtaka ng makuha ito ng CET.Nalaman na lang pagkatapos na isang guro pala ng CET ang isa sa mga hurado.Dito na nagsimula ang tunggalian ng CET at COET tuwing cheering sa intrams.
-->Isang COET sa katauhan ni Sheena Cuenca ang kumuha ng atensyon ng buong TUP nang sa di inaasahan ay sapian ito ng hindi maipaliwanag na espiritu sa U-building.Naganap ito bago ang klase nila ng math.Gaya ng inaasahan ay na postponed ang klase at pagkatapos ay pinasalamatan ng COET si Sheena dahil sa pagkaantala ng exam sa Math.
-->Ang grupo ding ito ang pinakahuling gumamit ng uniform ng TUP na tinawag na "Yakult Style Dress" dahil pag suot mo ito ay para ka na ring nagtitinda ng Yakult.(Example nito ay yung suot ng mga babae sa larawan sa taas)
-->Sa intramurals,di na din mabilang ang mga panalo ng COET,kabilang ang pag sweep sa Dama boys and girls division,chess boys and girls division,darts boys and girls division.Dahil sa mga panalong yun,1st time na na sweep ng isang course ang 3 o mahigit na games sa intramurals.