"COET BATCH 2004"
-->Sa COET namang ito dumating ang isa pang "Campus Crush" sa katauhan ni Liezel Santero
-->Nasilat ng COET sa CET ang kampeonato sa cheering nang manalo tayo nung intrams 2005.Ang panalong yun ang nagbigay sa COET ng pinakaunang cheering trophy sa kasaysayan ng course natin
-->Nagluksa ang COET pati buong TUPC ng sumakabilang buhay ng di inaasahan si Raynard ng Batch na to dahil sa malubhang karamdaman.Hanggang sa kaslukuyan,dama pa din ng COET ang lungkot ng pangyayaring yon.
-->Naiuwi ni Elei Mendoza ang 2nd place sa "TUP Skills Competition" na ginanap sa TUP Manila.Nakalaban nya ang mga pambato ng TUP Manila,Visayas,at Taguig.
-->Q aND A-Ano nga ba ang nagaganap sa "TUP Skills Competiton??".Para sa apakanan ng mga ngayon lang ipinanganak,ang prestigous na game na yun ay isang skills challenge para sa pag aasemble ng hardware ng computers.Andyan din ang pag-iinstall ng ng ibat-ibang programs depende sa naibigay na CD.Now you know!!!
-->Ang COET na panggabi ang masasabing pinakamalupit na PM session sa TUP.Buwan ng wika noon nung 2006,sumali sila sa Sabayang Pagbigkas at Katutubong Sayaw bilang requirements sa Filipino nang di inaasahang naipanalo nila parehas ang titulo sa parehong kategorya.
-->Nung taon ding iyon,sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng TUP,nagawang maiuwi ni Angelito Untalan ng E4E ang championship trophy sa "TUP Skills Competition"na ginanap sa TUP manila.Pinanis nya ang mga pambato ng Manila,Visayas at Taguig sa pamamagitan ng ilang minutong agwat.Sa tagal ng agwat na iyon ay natulog muna sya habang hinihintay ang mga kalaban nya..charing..